----- Original Message -----
From: Jose Bernie Garcia
To: Roger Quiogue Tagle
Sent: Tuesday, February 28, 2006 7:54 PM
Subject: Tour de Laguna
Ok pare, Successful ang Round Laguna
namin, di namin nabilang pero estimate ko nasa 30 kami. May taga Rosario, Evergreen and Bagumbayan sa may
Libis. Sa Bugarin na kami nagkita ng taga Bagumbayan. Di nga nakasama si Pareng Andy nasira yung pickup
niya, kaya si Eddie Pawid lang suporta namin. Eksakto 6:30 umalis
kami, mga past 9:00 nasa Bugarin kami. Sabay sabay ahon namin13 to 17kph. Ahon
namin. Sa patag maganda pacing namin 30 to 35kph. Pag bahada galing sa tubo ng Caliraya nag breakaway kami nila Baby at Mark. Taon taon kasi dito tumitira si Baby. Kaya pag ahon tinutukan ko na
siya. Palo kami ng 50kph bahada pag dating ng patag 35 to 40kph. Kaya lang inabot kami ng grupo sa
Pagsanjan. Hanggang maka rating na ng Pila, 10:40. Last year may advance party pa kami para mag
ihaw, ngayon wala na, masyadong nagtatagal ang pahinga. Nag baon lang kami ng adobo at itlog na
maalat, ok na, Yung iba may baon din naman. Umalis kami ng Pila past 12:00 na ganun uli 30 to 35kph. Tumigil kami ng San Pedro, uminom ng malamig na
tubig. Mainit ang panahon alam mo naman yun nakakauhaw na.
Nakauwi kami 3:15 tapos 6:30 naginuman na kami…hik hik hik.